Alas-11 pa lang ng umaga ay dagsa na ang mga pasahero ngayong araw sa Parañaque Integrated Terminal Exchange dahil sa muling pagbabalik ng mga tao sa trabaho bukas, January 3.<br /><br />Ayon sa tagapagsalita ng terminal, posibleng umabot sa halos 200,000 ang mga pasahero na dadaan sa PITX dahil sa mga uuwi sa Maynila o luluwas patungong probinsya pagkatapos ng Bagong Taon.<br /><br />May ulat ang aming correspondent na si Xianne Arcangel.